Ang Agrikultura ay isang
sektor ng ekonomiya na hindi umaasa sa produktibidad ng ibang sektor at may
sariling pamamaraan sa pagtataguyod ng ekonomiya ng isang bansa. Ito ay isang
kritikal na susi tungo sa kaunlaran lalu na sa ating mga Pilipino sapagkat an
gating bansang Pilipinas ay sagana sa mga likas na yaman at yamang tao na
nasasaklawan ng Agrikultura.
Malaki na rin ang naiambag ng Agrikultura sa kaunlaran ng
gating bansa. Ngunit mapapansin ang panghihina nito sa kontrubusyon dahil sa
industriyal at komersyal na komplikasyon sa mga nasasaklawan nito.
I.
Kahalagahan ng Agrikultura
Katulad ng naisaad sa nakaraang artikulo tungkol sa agrikultura,
isa itonh mahalagang salik ng kaunlaran. Ang mga sumusunod ay ang ilang
kahalagahan ng agrikultura sa ekonomiya.
i. Hanapbuhay
Pangunahing
pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga mamamayang Pilipino ang agrikultura. Ito ay
masasabing pangunahing sandigan ng bawat mamamayan sapagkat hindi ito gaanong
nangangailangan ng malaking kapital sa pagsasaka , lakas paggawa at karunungang
teknikal.
ii.Industriya
Ang
agrikultura din ang siyang nagbibigay ng iba’t ibang pangangailangan ng tao
tulad ng pagkain at ilang mga materyal. Ang mga hilaw na materyal na salik ng
produksyon ay nakukuha rin sa agrikultural na panig ng ekonomiya. Ito narin ang
nagsisilbing pamilihan ng mga produktong pang industriya.
iii.Kitang Panlabas
Karamihan
sa ating mga inaangkat na produkto patungong ibang bansa ay mga productong
agrikultural. At kung mataas ang estadong agrikultural ng isang bansa,
mahihimok ang mga dayuhang mgalunsad ng isang kalakalan sa pagitan ng nasabing
bansa. Magdudulot ito ng magandang pagusad ng isang bansa.
iv.Ibang Sektor ng Ekonomiya
Nagsusuplay
din ng karagdagang pondo ang agrikultura sa iba pang sektor ng ekonomiya tulad
ng kapital o lakas-paggawa. Ang buwis na nagmumula sa agrikultura ay maaaring
gamiting pondo sa pagtataguyod ng isang negosyo.
II.
Sektor ng Agrikultura
Ang agrikultura ay nahahati sa limang sektor na may
kanya-kanyang tungkuling ginagampanan. Ito ay batay sa kapaligiran o kalikasang
kinalalagyan na nagtataglay ng mga likas na yaman o maging mga yamang tao. Ito
ay ang mga sumusunod.
i.Paghahalaman
Ang
paghahalaman ay ang sektor ng agrikultura na namamahala sa mga pangunahing
pananim ng bansa. Ito ay responsible sa mga iniluluwas nating mga pananim tulad
ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako at abaka.
Malaki din ang kontribusyon ng produksyon ng gulay, halamang ugat at halamang
mayaman sa hibla(fiber) sa gawaing pang agrikultura ng bansa.
ii.Paghahayupan
Pag-aalaga
naman sa mga hayop ang gawain sa paghahayupan. Karaniwang inaalagaan sa
Pilipinas ang mga kalabaw, baka, kamibing, baboy, manok at pato. Ang mga hayop
na inaalagaan ay siyang ating pagkain sa pang araw-araw.
iii.Pangisdaan
Pangisdaan
naman ang karaniwang sektor na gumagalaw sa mga lugar na nasa tabi ng mga
bahaging tubig. Nasaad na ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking tagatustos ng
isda sa buong mundo.
iv.Paggugubat
Ang
kagubatan na siyang pinakamalaking bahagi ng Pilipinas ay hawak ng sektor ng
agrikultura na paggugubat. Bagaman unti-unti na itong nauubos, patuloy parin
ang paglinang sa ating kagubatan sa pang ekonomikong layunin.
v.Pagmimina
Sagana
din ang Pilipinas sa mga yamang-mineral, yamang di-teal at enerhiya na
matatagpuan sa mga bundok, kapatagan, baybayin at maging sa karagatan. Ang mga
mineral na namimina ay ginagamit sa paggawa ng mga produktong metal at di-metal,
at mga alahas.KONKLUSYON:
Kung pahahalagahan lamang natin ang ating likas na yaman at pagsisikapang paunlarin pa ang ating mga kaalaman sa agrikultura ang ating bansa ay magiging isang maunlad na bansa. Idagdag pa natin kug tayo ay magtutulungan sa ating mga gawin.
Pinagkuhaan:
Hao, Mark Joseph G. Sektor ng Agrikultura [Powerpoint Presentation]. Retrived from http://www.slideshare.net/emperorhaomazhou05/sektor-ng-agrikultura