Martes, Marso 10, 2015

AGRIKULTURA: Isang Mahalagang Sektor ng Ekonomiya

AGRIKULTURA: Isang Mahalagang Sektor ng Ekonomiya


          Ang Agrikultura ay isang sektor ng ekonomiya na hindi umaasa sa produktibidad ng ibang sektor at may sariling pamamaraan sa pagtataguyod ng ekonomiya ng isang bansa. Ito ay isang kritikal na susi tungo sa kaunlaran lalu na sa ating mga Pilipino sapagkat an gating bansang Pilipinas ay sagana sa mga likas na yaman at yamang tao na nasasaklawan ng Agrikultura.
            Malaki na rin ang naiambag ng Agrikultura sa kaunlaran ng gating bansa. Ngunit mapapansin ang panghihina nito sa kontrubusyon dahil sa industriyal at komersyal na komplikasyon sa mga nasasaklawan nito.
I.                 Kahalagahan ng Agrikultura
            Katulad ng naisaad sa nakaraang artikulo tungkol sa agrikultura, isa itonh mahalagang salik ng kaunlaran. Ang mga sumusunod ay ang ilang kahalagahan ng agrikultura sa ekonomiya.
i. Hanapbuhay
Pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga mamamayang Pilipino ang agrikultura. Ito ay masasabing pangunahing sandigan ng bawat mamamayan sapagkat hindi ito gaanong nangangailangan ng malaking kapital sa pagsasaka , lakas paggawa at karunungang teknikal.
ii.Industriya
Ang agrikultura din ang siyang nagbibigay ng iba’t ibang pangangailangan ng tao tulad ng pagkain at ilang mga materyal. Ang mga hilaw na materyal na salik ng produksyon ay nakukuha rin sa agrikultural na panig ng ekonomiya. Ito narin ang nagsisilbing pamilihan ng mga produktong pang industriya.
iii.Kitang Panlabas
Karamihan sa ating mga inaangkat na produkto patungong ibang bansa ay mga productong agrikultural. At kung mataas ang estadong agrikultural ng isang bansa, mahihimok ang mga dayuhang mgalunsad ng isang kalakalan sa pagitan ng nasabing bansa. Magdudulot ito ng magandang pagusad ng isang bansa.
iv.Ibang Sektor ng Ekonomiya
Nagsusuplay din ng karagdagang pondo ang agrikultura sa iba pang sektor ng ekonomiya tulad ng kapital o lakas-paggawa. Ang buwis na nagmumula sa agrikultura ay maaaring gamiting pondo sa pagtataguyod ng isang negosyo.
II.              Sektor ng Agrikultura
            Ang agrikultura ay nahahati sa limang sektor na may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan. Ito ay batay sa kapaligiran o kalikasang kinalalagyan na nagtataglay ng mga likas na yaman o maging mga yamang tao. Ito ay ang mga sumusunod.
            i.Paghahalaman
Ang paghahalaman ay ang sektor ng agrikultura na namamahala sa mga pangunahing pananim ng bansa. Ito ay responsible sa mga iniluluwas nating mga pananim tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako at abaka. Malaki din ang kontribusyon ng produksyon ng gulay, halamang ugat at halamang mayaman sa hibla(fiber) sa gawaing pang agrikultura ng bansa.
ii.Paghahayupan
Pag-aalaga naman sa mga hayop ang gawain sa paghahayupan. Karaniwang inaalagaan sa Pilipinas ang mga kalabaw, baka, kamibing, baboy, manok at pato. Ang mga hayop na inaalagaan ay siyang ating pagkain sa pang araw-araw.
iii.Pangisdaan
Pangisdaan naman ang karaniwang sektor na gumagalaw sa mga lugar na nasa tabi ng mga bahaging tubig. Nasaad na ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo.
iv.Paggugubat
Ang kagubatan na siyang pinakamalaking bahagi ng Pilipinas ay hawak ng sektor ng agrikultura na paggugubat. Bagaman unti-unti na itong nauubos, patuloy parin ang paglinang sa ating kagubatan sa pang ekonomikong layunin.
v.Pagmimina
           Sagana din ang Pilipinas sa mga yamang-mineral, yamang di-teal at enerhiya na matatagpuan sa mga bundok, kapatagan, baybayin at maging sa karagatan. Ang mga mineral na namimina ay ginagamit sa paggawa ng mga produktong metal at di-metal, at mga alahas.


KONKLUSYON:
           Kung pahahalagahan lamang natin ang ating likas na yaman at pagsisikapang paunlarin pa ang ating mga kaalaman sa agrikultura ang ating bansa ay magiging isang maunlad na bansa. Idagdag pa natin kug tayo ay magtutulungan sa ating mga gawin.


Pinagkuhaan: 

Hao, Mark Joseph G. Sektor ng Agrikultura [Powerpoint Presentation]. Retrived from http://www.slideshare.net/emperorhaomazhou05/sektor-ng-agrikultura

 [Term paper]. Retrived from https://www.google.com.ph/urlsa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=8&cad=rja&uact=8&ved=0CFYQFjAH&url=http%3A%2F%2Ffileproject.weebly.com%2Fuploads%2F5%2F6%2F5%2F3%2F565365%2Fterm_paper.doc&ei=U7f-VIvWIozN8gWI9YC4Bw&usg=AFQjCNGdfgaXUGyWY8pi05HkDvMHAsdsVQ&sig2=GrAzbapifx4Nj94xjXfanA&bvm=bv.87611401,d.dGc

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento